Monday, 16 January 2012

impeng negro

  Mula pagka bata ay magka-away na sila Impen at Ogor .Palaging pinangangaralan ng kanyang ina si Impen tungkol sa lagi nitong pakikipag-away kay Ogor.Sa tuwing magkikita nalang kase sila ni Ogor ay parati na lamang nitong kinukutya si Impen na,maitim,kulot ang buhok,sarat ang ilong,ang nguso ay namamalirong at ang pinakamasakit sa kanya ay ang kutyain siya ng iba't-iba ang tatay ng kanyang mga kapatid.

  Isang araw ,Marami ng baldeng nakapila na umagang iyon ng dumating si Impen.Sa sarili,nausal niyang sana'y huwag siyang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.Nakasabay niya sa pag-igib ng tubig si Ogor.Pagkakataon na niyang sumahod ngunit muling isingit ni Ogor ang kanyang balde.Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.Nakaanim naman na siyang igib kaya't ipinasya na lamang niyang umuwi upang makaiwas kay Ogor at maging tampulan ng tuksuhan.

  Nang siya'y paalis na ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa nabitiwang balde.Takot,nanginginig ang kanyang mga daliri.Sa sakit na naramdaman ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.Puno ng poot ang kanyang naramdaman at agad sinunggaban,walang habas na pinagsusuntok ang kalaban hanggang sa sumuko ang naglulupaypay at duguang katawan ni Ogor.Hindi makapaniwala ang mga tao sa kanilang paligid at sa kanilang mga mukha ay may bakas ng paghanga dahil sa katapangan ni Impen.


IBINUOD NI:MITCHELLE ANN ROSE KHO

No comments:

Post a Comment