Marami ng baldeng nakapila ng dumating si impen sa igiban.Pagkakataon na sana niyang sumahod ngunit muling isiningit ni ogor ang kanyang balde.Naisip ni impen ang bilin ng ina na huwag makikipag-away kay ogor kaya walang nagawa si impen kundi ang magpaubaya.Nakaanim naman na siyang igib kaya ipinasya na lamang niyang umuwi upang makaiwas sa tuksuhan sa igiban.Nang siya'y paalis na , pinatid siya ni ogor at tumama ang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.Sa labis na sakit na naramdaman ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay ogor kaya't sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban.Sumuko ang naglulupaypay na katawan ni ogor.nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nasa paligid niya .
IBINUOD NI : JIMCEL GELLADULA
No comments:
Post a Comment