Friday, 23 March 2012

Patawad


Patawad

Sa pagwawakas nitong ating pagsasama
hindi natin alam kung tayo pa ay muling magkikita
bagama`t hindi ko kayo nakilala ng sobra
alam ko lahat kayo sa buhay ko`y naging mahalaga

kung meron man akong nagawang kasalanan 
nais kong sa inyo ay humingi ng kapatawaran
kung meron man akong damdaming nasaktan
sa mga desisyon kong hindi ko pinag-isipan

mahal ko kayong lahat aking mga kamag-aral
pasensya na kung hindi ako yung tipong madaldal
bagama`t di lahat kayo ay nagawa kong mapasaya
sana manatili sa inyo ang ating alaala

paumanhin sa aking mga nagawa
upang magdulot na lumisan sa inyo ang tuwa
sana mapatawad at muli tayong magkita kita
nang masariwa natin ang tamis ng alaala.

No comments:

Post a Comment