pangkat 2 ( III-3 )
Monday, 26 March 2012
ANG BUHAY MAG-AARAL(KATHLEEN LINDERO)
-ANG BUHAY MAG AARAL-
Sa simula ay medyo nahirapan pa akong pakisamahan ang mga bago kong kaklase.Tahimik muna sa simula, hindi pa gaanong nakikisalamuha sa iba.Pero di nag tagal ay nag karoon narin ako ng kaibigan.Medyo umingay narin ako pero di sa oras ng pagtuturo ng mga guro namin.Siguro kapag break at mag tatapos na ang klase.Unti-unti narin akong nasasanay sa mga guro namin.At kahit papano ay nakakasabay na din ako sa mga aralin, di narin ako nanghihinayang sumagot atnabawasan na din ang aking takot sa mga bago naming guro.
Sa kalagitnaan ng aking pag aaral ay naging komportable na ako sa mga guro namin at lalo na sa mga kaklase ko.Isa sa makakalimutang pangyayari ay noong mag top10 ako sa klase namin para sa iba malayo parin yon pero para sa akin isa itong tagumpay.Dahil dito ayt mas ginanahan pa ako mag aral, kaya piinilit kkong kompletuhin ang lahat ng mga kinakailangan kong ipasa, mga proyekto at iba pa.Sinisikap kong pataasin pa ang posisyon ko bilang top o isa sa magagaling sa aming klase, di naman ako nabigo dahil naging top 3 ako pag dating ng ikatlong markahan.
Masasabi kong hindi lang lagi masaya ang pag aaral dahil napakaramingisipin tungkol sa mga proyekto o iba pang kailangan upang mapataas ang mga grrado.Hindi rin man laging nakakpagod mas lamang parin ang saya dahil marami kang natutunan at mga bagong kaibigan.
Mahal Kita ( JIMCEL GELLADULA )
-MAHAL KITA-
Mahal kita ramdam mo ba?
Mis kita ramdam mo ba?
Sana'y tayo nang dalawa
At di na mag kalayo pa.
Sayo ko lang naramdaman
Ganito kong pagmamahal
Makasama ka lamang
Saya'y di maipaliwanag
Sa tuwing ika'y ngumiti
akoy napapangiti
Sa tuwing ika'y makikita
Labis ang kasiyahan sa aking mga mata
Kapag ako'y may problema
Gusto kang makasama
Kapag ako'y umiiyak
Gusto kang makayakap
Mahal na kita
Ganon ka rin sana
Para masaya
Ang ating pag sasama.
NGITI( JONALYN LIBRES)
-NGITI-
Sa tuwing ngiti mo'y aking nasisilayan
Di maawat ang puso sa kagalakan
Di ko alam kung bakit ngiti mo'y ganyan
Angat sa lahat pag akin nang namasdan
Kahit sa malayo presensya mo'y dala
Para bang may lubid na nakakonekta
Sa paglisa'y aking na pag-isipan
Na sa 'yong ngiti ay may kalungkutan
Ng tayong dalawa'y may pinag-uusapan
Sarili'y hinayaan na ika'y masdan
Iyong ngiti ay aking naobserbahan
Sa likod nito ay merong kalungkutan
Ngiti'y wag mong alisin sa 'yong katauhan
Yan ang dahilan kung bakit hinangaan
Kalungkuta'y alisin sa iyong isipan
Dahil ayoko na ika'y nasasaktan
portfolio sa filipino(MITCHELLE ANN ROSE KHO)
Subscribe to:
Posts (Atom)