Sunday, 25 March 2012

Ang kahapon

Ang Kahapon
ni.Arnel Espinocilla
                                 Natatandaan ko pa noong unang pasokan, Maraming mukhang bago mga guro at mga kamag-aral. Sa una punu pa ako ng tensyon pero dumaan ang ilang araw na wala ito. Natutu akong makisalamuha sa aking guro at mga kamag-aral. Natutu akong ng iba't ibang bagay na dito ko lang nalaman na marami pa pala akong dapat malaman.
                                 Habang tumatagal unti-unting lumalabas ang ugali ng iba kong kamag-aral. Akala ko mabait, yun pala sa una lang. Meron ding namang ayaw kong makilala pero mabait pala mukha lang masungit mali pala. Naging masaya naman ako kahit papano dahil meron akong kaibigan na ka klase ko. Kahit papano meron akong ka kwentohan at kakulitan.
                                 Dito ko naranasang palakasin ang loob  dahil nahihiya ako ng una ngunut ngayon hindi na. Gayon man ay laking pasasalamat ko sa aking mga guro kung wala kayo wala rin ako kaya salamat po. Ngayon mag babakasyon marami akong maiiwan na bagay na gustong-gusto kong balikan. Ngunit tapos na yun kailangan ko ng harapin ang bukas at laimutan ang kahapon.
                                 Sa bandang huli ay nag papasalamat ako sa aking naging kaibigan sa loob ng paaralang ito. Lalo na sa taong naging bahagi ng buhay ko sana maging masaya ka. At wag malulumbay tandaan mo nandito lagi ako. Wala mang sa tabi mo sa isip mo ako. Kaya mag iingat ka palagi lyf que.

No comments:

Post a Comment