Pagbigyan
ni: Jeric Largado
Ngayon magtatapos na itong palantutunan
nais ko sanang humingi ng kapatawaran
sa mga tao na nagawa ko ng kasalanan
ang paghingi ko ng kapatawaran sana'y pagbigyan.
Patawad, patawad ang aking tugon
sa mga taong nagawan ko noon
kong kayo'y naiinis at naasar
siguro naman ito na ang araw.
Na ako'y pagbigyan saking hiling
upang hindi na kayo mag-iiling-iling
at ako'y sagutin at di pansinin
pasensya na, iyon ang tanging kung hiling.
No comments:
Post a Comment