Monday, 26 March 2012

Patawad

PATAWAD
ni: Jaylord Feliciano

Ako yung tipong di  makuha sa tingin
at karamihan ay nagagalit sa akin
sa kadahilanang ako'y pilosopo
tanging batid ko'y pasensya na po.

Sana'y ako'y patawarin ninyong lahat
saking kayabangan at sa kabila ng lahat
hindi kayo nagsasawang magturo
kahit kong minsan nagbibigay ng kuro kuro.

Napinag uugatan ng lakas ng ingay
at kong minsan nagkakaroon pa ng away
at ugat din ng sigawan at singhalan
sana ako'y bigayan sa hinihingi kong kapatawaran.

No comments:

Post a Comment