PAG IBIG NGA NAMAN
ni: Arnel Espinocilla
Simula ng ika'y makita at ng nasilayan
lumabas ang natatangi natatanging kagandahan
tila bagang isang anghel sa itaas ng kalangitan
pinadala ng may kapal para dito sa kalupaan.
Upang ang puso'y maligtas sa ruruk ng kamatayan
pagkat ikaw ang buhay at ikaw ang kailangan
di makaimik di makatingin kapag ikaw ay nariyan
tila binalot ng kaba ang aking puso at isipan.
Bulong ng aking isip ay dapat kalimutan kana
ngunit pintig ng puso ko sanay bumalik kana
pagkat hindi ko kakayanin ang mabuhay ng nag-iisa
kung wala ka sa aking tabi at wala akong kasama
Ni hindi kayang tingnan iniwan mung litrato
Sa pagibig sa iyo ako ay talagang kabado
pagpasensyahan muna dahil kung ikay nalilito
gusto ko lang iparating nandito ako para sayo.
No comments:
Post a Comment