ANG AKING NADADAMA
ni: Ronnel Del Rosario
Noong una kitang makita
parang ninais ko ng maging makata
upang sayo ay ipahatid
na ang puso ko'y may nais ipabatid.
Hirap man sabihin sayo ng harapan
ngunit aking idadahan-dahan
upang sa isip mo'y iyong malaman
ng sarili ko ay sayo lang nakalaan.
Pagmamahal ko sayo ay walang maliw
sapagkat ang puso't isip ko'y baliw na baliw
sa kagandahan mong walang katulad
siguro ito na ang oras upang sa ilahad.
Ang lahat ang aking nararamdaman
sa puso't isip ikaw lang ang nilalaman
sana ay iyo itong mabatid
na ang puso't isip ko'y may nais ibatid.
No comments:
Post a Comment