Monday, 26 March 2012

ANG BUHAY MAG-AARAL(KATHLEEN LINDERO)

                                  -ANG BUHAY MAG AARAL-

          Sa simula ay medyo nahirapan pa akong pakisamahan ang mga bago kong kaklase.Tahimik muna sa simula, hindi pa gaanong nakikisalamuha sa iba.Pero di nag tagal ay nag karoon narin ako ng kaibigan.Medyo umingay narin ako pero di sa oras ng pagtuturo ng mga guro namin.Siguro kapag break at mag tatapos na ang klase.Unti-unti narin akong nasasanay sa mga guro namin.At kahit  papano ay nakakasabay na din ako sa mga aralin, di narin ako nanghihinayang sumagot atnabawasan na din ang aking takot sa mga bago naming guro.
         Sa  kalagitnaan ng aking pag aaral  ay  naging komportable na ako sa mga guro namin  at lalo na sa mga kaklase ko.Isa sa makakalimutang pangyayari ay noong mag top10 ako sa klase namin para sa iba malayo parin  yon pero para sa akin isa itong tagumpay.Dahil dito ayt mas ginanahan pa ako mag aral, kaya piinilit kkong kompletuhin ang lahat ng mga kinakailangan kong ipasa, mga proyekto at iba pa.Sinisikap kong pataasin pa ang posisyon ko bilang top o isa sa magagaling sa aming klase, di naman ako nabigo dahil naging top 3 ako pag dating ng ikatlong markahan.
        Masasabi kong hindi lang lagi masaya ang pag aaral dahil napakaramingisipin tungkol sa mga proyekto o iba  pang kailangan upang mapataas ang mga grrado.Hindi rin man laging nakakpagod mas lamang parin ang saya dahil marami kang natutunan at mga bagong kaibigan.            

No comments:

Post a Comment