Friday, 23 March 2012

Tulang patawad

Tulang Patawad
ni: Arnel Espinocilla

Bago magbakasyon nais kong humingi ng patawad
Sa aking mga kasalanang na igawad
Saking mga kaibigan, mga kamag-aral
Maging saking guro pati narin sa prinsipal.

Una saking mga kaibigan pagpasensyahan niyo na
Kung ako'y mayabang, masiyadong mapagpuna
At madalas magalit pagdating sa gimikan
Panu naman kasi trip lang inyong alam
Ngunit kahit naganun ay patawad parin
Sa oras na ako'y lungkot, andyan kayo upang ako'y pasayahin

At sa aking mga kamag-aral na madalas kung sinasagot
Kayo naman kasi  pilosopo kung sumagot
Kaya si Mam kong magturo ay nababagot
Imbis na kayo lang pati kami nalalagot

Ngunit lahat ng iyon maari ba nating kalimutan
Panget naman sigurong magbakasyon ng meronng alitan
Kaya patawad na sana ako'y patawarin
Yan lang naman ang tangi kong hiling

At saming gurong walang sawa sa pagtuturo
Pasensya ho sa maling bigay n kuro kuro
na kung minsan taliwas at malayo sa talakayin
Sana po ay pagbigyan ang himig ng saloobin
na sa pamamagitan ng tula sa na kami ay patawarin

At sa butihing prinsipal na samin ay nagmamahal
Pasensya ho kung patakaran miyo ay sinusuway
Kaya ko'to ginawa dahil ayaw ko ng kaaway
At bilin ng diyos ibigin nag iyong kaaway

No comments:

Post a Comment